Load Central Frequently Asked Question
Ano ang kaibahan ng Load Central Dealer, SubDealer, at Retailer?
Paano maging Load Central Dealer?
Paano maging Load Central SubDealer?
Paano maging Load Central Retailer?
Kailangan ko bang bumili ng bagong SIM para mag-register sa Load Central?
Ano ang Load Central Products?
Ano ang Load Central Wallet?
Kapag Load Central SubDealer na ako, maaari ba ako makapagbenta ng Load Products? o Load Wallet lamang ang maibebenta ko?
Kapag Load Central SubDealer na ako, maaari ko bang loadan ng Load Wallet ang mga nagbebenta ng Load sa mga tindahan?
Ano ang advantage ng Load Central sa ibang Loading platforms (eP___Load, V_____ile, Tel__Pre___Cor___, Al__Ser_e, etc)
- Ang Load Central Dealer ang siyang nagre-register ng Load Central SubDealers, at Retailers.
- Ang Load Central SubDealer ay pwede lamang mag register ng retailers at mag-supply ng load wallet sa kanila.
- Ang Load Central Retailers ay ang siyang nagbebenta ng Load Products sa customers
Paano maging Load Central Dealer?
- Ang pagiging Load Central Dealer ay nangangailangan ng dedikasyon sa pagpo-promote ng Load Central.
- Ang mga requirements ay mas mabigat, mas marami at nangangailangan ng mas malaking kapital kumpara sa pagiging subdealer.
- Mas malaki rin ang required quota sa pagiging dealer.
Paano maging Load Central SubDealer?
- Ang pagiging Load Central Subdealer ay nangangailangan ng dedikasyon sa pagpo-promote ng Load Central.
- Ang mga requirements ay 1 valid ID lamang at registration fee.
Paano maging Load Central Retailer?
- Ang pagiging Load Central Retailer ay ang pinakamadali sa lahat.
- Kailangan mo lamang mag-register para ma-activate ang iyong account.
Kailangan ko bang bumili ng bagong SIM para mag-register sa Load Central?
- HINDI na. Kung bago ka pa lang at ngayon ka pa lang magre-register sa Load Central, maaari mong ipa-activate ang iyong kasalukuyang SIM card na ginagamit. Kung nai-register mo na dati sa Load Central ang iyong SIM card, kailangan mo ng ibang SIM.
- Kahit anong SIM ay pwede mo i-register (Prepaid/Postpaid, Regular/Retailer SIM from Globe/Smart/Sun)
Ano ang Load Central Products?
- Ang Load Central Products ay ang mga prepaid load na maaari ibenta ng mga Load Central Retailers sa mga customers.
- Ang Load Central Products ay kinabibilangan ng lahat ng uri ng e-load para sa lahat ng cellphone networks, online games, at iba pang prepaid services.
Ano ang Load Central Wallet?
- Ang Load Wallet ay kailangan lamang ng mga Load Central Retailers para makapagbenta ng Load Products. Ito ay mabibili sa mga Load Central Dealers, Load Central SubDealers at sa mismong opisina ng Load Central.
- Iba ito sa traditional load wallet gaya sa mga nagbebenta ng load sa mga sari-sari stores.
Kapag Load Central SubDealer na ako, maaari ba ako makapagbenta ng Load Products? o Load Wallet lamang ang maibebenta ko?
- Kapag ikaw ay Load Central SubDealer, tanging Load Wallet lamang ang pwede mo ibenta.
- Hindi pwede gamitin na Retailer account ang iyong SubDealer account.
- Kailangan mo ng isa pang SIM card para i-activate para maging sarili mong Load Central Retailer account.
Kapag Load Central SubDealer na ako, maaari ko bang loadan ng Load Wallet ang mga nagbebenta ng Load sa mga tindahan?
- Hindi ka maaaring magbenta ng Load Wallet sa mga naglo-load sa tindahan dahil iba ang load wallet nila sa Load Central Wallet.
Ano ang advantage ng Load Central sa ibang Loading platforms (eP___Load, V_____ile, Tel__Pre___Cor___, Al__Ser_e, etc)
- Ang Load Central ay may pinakamabilis na online loading system.
- Pinakamaraming load products at online games na supported ang Load Central.
- Nandito ang mga pinakabagong Load Products gaya ng Meralco Kuryente Load at iba pa.
- Pinaka-safe at pinaka secured ang transactions lalo na dahil sa implementation ng bagong security features.
- Approachable, competent at professional ang Load Central Customer Service.